Nagpabatid ang Propeta (s) na si Allah ay nagbigay sa kanya ng limang kakanyahan na hindi binigyan ng mga ito ang isa sa mga propeta bago niya [ayon sa pagkasabi niya]: 1. Iniadya ako sa pamamagitan ng pagkasindak na ipinupukol sa mga puso ng mga kaaway ko kahit pa man sa pagitan ko at nila ay may layo ng paglalakbay ng isang buwan. 2. Ginawa para sa atin ang lupa bilang mapagpapatirapaang mapagdadasalan natin naging saan man tayo at bilang pandalisay sa pamamagitan ng alikabok sa sandali ng kawalang-kakayahan sa pagkakaroon ng tubig. 3. Ipinahintulot sa atin ang mga samsam sa digmaan: ang nakukuha ng mga Muslim sa digmaan nila sa mga tagatangging sumampalataya. 4. Binigyan ako ng pinakadakilang Pamamagitan alang-alang sa pagbibigay-kapahingahan sa mga tao mula sa hilakbot sa Tindigan sa Araw ng Pagbangon. 5. Isinugo ako sa nilikha sa kabuuan: sa tao nila at jinn nila, na kasalungatan sa mga propeta bago ko sapagkat sila noon ay ipinapadala sa mga tao nila lamang.