Sinabi ni Anas-malugod si Allah sa kanya-:"Dumating ang oras ng pagdarasal":Habang ang mga kasamahan ng Propeta ay kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Madinah,dumating ang oras ng pagdarasal ng `Asr."Tumayo [ng pagdarasal] ang sinumang malapit sa Masjid" Ibig sabihin :Pumunta yaong sinumang malapit ng kanilang bahay sa lugar na ito sa [kanilang] tahanan upang makapagsagawa sila ng wudhu rito."at nanatili ang mga lipon ng tao" Ibig sabihin: Nanatili yaong malalayo ang kanilang mga bahay kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan."Ibinigay kay Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ang isang lalagyan [ng tubig] na yari sa bato" :Ibig sabihin ay ibinigay sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang maliit na lalagyan na yari sa bato na may lamang kaunting tubig,at dumating sa ibang salaysay na ito ay inilalarawan sa Rahrāh "Naging maliit ang lalagyan [ng tubig] nang buksan niya ang palad niya rito" Ibig sabihin: Naging masikip ang yaong maliit na lalagyan sa palad ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang naisin niyang buksan ito sa gitna nito. Nagsabi si Anas: "at nakapagsagawa ng wudhu ang lahat ng mga tao. Nagsabi sila: Ilan kayo? Nagsabi siya: Walumpo at mahigit pa" Ibig sabihin ay: Walumpo at mas marami pa