Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa mga pinuno na humihiling ng karapatan nila mula sa mga tao na pagdinig at pagtalima habang nagkakait sila ng karapatan na tungkulin sa kanila gaya ng pagkakaloob ng katarungan, pagbibigay ng samsam ng digmaan, at pagwawasto ng mga kaapihan at pagsasaayos. Kaya ano po ang ipag-uutos mo sa amin na gawin namin sa kanila? Umiwas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dito. Para bang siya ay nasusuklam sa mga pagtatanong na ito subalit umulit ang tagapagtanong sa kanya sa ikalawa o ikatlong pagkakataon. Kaya naman hinila ni Al-Ash`ath bin Qays (malugod si Allāh sa kanya) ang tagapagtanong upang patahimikin ito. Sumagot naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsabi: "Makinig kayo sa sabi nila at tumalima kayo sa utos nila sapagkat tanging kailangan sa kanila ang iniatang sa kanila na katarungan at pagbibigay ng karapatan ng nasasakupan at kailangan sa inyo ang ipinapasan sa inyo na pagtalima, pagganap sa mga karapatan, at pagtitiis sa pagsubok."