Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas) ay nagsabi, ayon sa pagpapakahulugan sa Qur'ān 32:17: Naglaan Ako at naghanda Ako ng isang pagbibigay-karangalan para sa mga lingkod Kong maayos sa Paraiso ng hindi nakita ng isang mata ang pinakadiwa nito, hindi narinig ng isang tainga ang paglalarawan nito, at hindi naganap at hindi dumaan sa puso ng isang tao ang kakanyahan nito. Nagsabi si Abū Hurayrah: Bigkasin ninyo, kung niloob ninyo: {Kaya hindi nalalaman ng isang kaluluwa ang ikinubli para sa kanila na ginhawa ng mga mata} (Qur'ān 32:17)