Ang kahulugan ng ḥadīth: Na ang Mananampalataya na nagkaroon ng karapatan sa Paraiso, kung sakaling nalalaman niya nang totohanan ang nasa kay Allah, pagkataas-taas Niya, na parusa sa mundo at parusa sa kabilang-buhay para sa mga tumatangkilik sa kawalang-pananampalataya at kaligawan, hindi siya magmimithing pumasok sa Paraiso, bagkus talagang ang magiging mithi niya ay na alisin siya sa Impiyerno dahil sa matinding pagdurusa at mabigat na parusa roon na hindi makakaya ng mga katawan. Kabaliktaran niyon, ang tumatangging sumampalataya, kung sakaling nalaman niya nang totohanan ang awa ng pinakamaawain sa mga maawain at ng pinakamapagbigay sa mga mapagbigay, hindi siya mawawalan ng pag-asa sa awa Niya, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, bagkus talagang mimithiin niyang pumasok sa Paraiso dahil sa pagkakaalam niya sa lawak ng awa ni Allah, pagkataas-taas Niya, at na Siya ay malawak sa pagpapatawad.