Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa ilan sa kaginhawahan sa Paraiso. Ang mananampalataya sa Paraiso ay may kubol na pagkalaki-laking malawak ang guwang, na yari sa iisang mutyang ginuwang. Ang lapad nito at ang haba nito sa langit ay animnapung milya. Sa bawat dako at panulukan mula sa apat na panulukan nito ay may mga maybahay, na hindi makakikita ang isa't isa sa kanila, na lilibot sa kanila ang mananampalataya.