Sumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpapasimula sa mga Hudyo at mga Kristiyano ng pagbati ng kapayapaan, kahit pa man sila ay mga dhimmīy, higit lalo sa iba pa sa kanila kabilang sa mga tagatangging sumampalataya. Naglinaw siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na tayo, kapag nakatagpo tayo ng isa sa kanila sa isang daan, ay mamimilit sa kanya tungo sa pinakamasikip na bahagi ng daan sapagkat ang mananampalataya ay ang naglalakad sa gitna ng daan samantalang ang nagpapakagilid ay ang tagatangging sumampalataya. Ang Muslim ay hindi magiging hamak sa isang kalagayan sa mga kalagayan.