Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Tunay na ang pinakamalapit sa mga tao kay Allah ay ang nagsimula sa kanila sa pagbati." Sa isang sanaysay ni Imām At-Tirmidhīy, sinabi: "O Sugo ni Allah, ang dalawang lalaki na nagtagpo, alin sa kanilang dalawang ang magsisimula sa pagbati?" Nagsabi siya: "Ang pinakamalapit sa kanilang dalawa kay Allah, pagkataas-taas Niya." Tumpak - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud