Nakaupo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw sa mimbar habang nakikipag-usap sa mga Kasamahan niya saka nagsabi siya: "Tunay na ang higit na pinangangambahan ko at kinatatakutan ko para sa inyo matapos ko ay ang pagbubuksan sa inyo na mga pagpapala ng Daigdig, karangyaan ng Mundo, gayak nito, dilag nito, at anumang narito na mga uri ng mga tinatamasa, mga kasuutan, mga pananim, at iba pa sa mga ito kabilang sa bagay na nagmamayabang ang mga tao sa kagandahan nito sa kabila ng kakauntian ng pananatili." Kaya may nagsabing isang lalaki: "Ang karangyaan ng Mundo ay biyaya mula kay Allāh. Kaya mauuwi ba ang biyayang ito at magiging isang salot at isang kaparusahan?" Kaya sinisi ng mga tao ang tagapagtanong yayamang nakita nila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nanahimik. Nag-akala sila na ito ay nagpagalit sa kanya. Luminaw na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay binababaan ng pagkasi, pagkatapos nagsimula siyang nagpunas sa noo niya ng pawis saka nagsabi siya: "Nasaan ang tagapagtanong?" Nagsabi ito: "Ako po." Nagpuri siya kay Allāh at nagbunyi sa Kanya. Pagkatapos nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang tunay na kabutihan ay hindi nagdadala kundi ng kabutihan subalit ang karangyaang ito ay hindi isang kabutihang payak dahil sa kinahahantungan nito na tukso, tagisan, at pagkaabala rito sa halip ng kalubusan ng pagtuon sa Kabilang-buhay." Pagkatapos naglahad siya para roon ng isang paghahalintulad sapagkat nagsabi siya: "Tunay na ang halaman ng tagsibol at ang luntian nito, na isang uri ng halaman na kinalulugdan ng mga hayop saka pumapatay dahil sa dami ng pagkain dahil sa impatso o nalalapit sa pagpatay, maliban sa tagakain ng luntian, na kumain hanggang sa mapuno ang dalawang tagiliran ng tiyan nito saka humarap sa araw at naglabas ng dumi mula sa tiyan nito nang malambot o umihi. Pagkatapos nagpaangat ito ng nasa bituka nito saka ngumuya niyon, pagkatapos lumulon niyon, pagkatapos bumalik ito saka kumain ito." "Tunay na ang yamang ito ay gaya ng halamang luntiang matamis; pumapatay ito o nalalapit na pumatay dahil sa dami nito, malibang kapag nagkasya rito sa kaunti na hinihiling ng pangangailangan at natatamo dahil dito ang kasapatan sa paraang ipinahihintulot sapagkat tunay na ito ay hindi makapipinsala. Kay inam na kasamahan ng Muslim ito para sa sinumang nagbigay mula rito sa dukha, ulila, at kinapos sa daan. Ang sinumang kumukuha nito nang may karapatan dito ay pagpapalain dahil dito. Ang sinumang kumukuha nito nang walang karapatan dito, ang paghahalintulad sa kanya ay katulad ng kumakain at hindi nabubusog. Magiging isang saksi ito laban sa kanya sa Araw ng Pagbangon."