Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpadalas kayo ng pag-alaala sa tagawasak ng mga sarap." Tinutukoy niya ang kamatayan.} Maganda - Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nisā'īy, at Imām Ibnu Mājah
explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalas ng pagsasaalaala sa kamatayan na sa pag-alaala nito nagsasaalaala ang tao ng Kabilang-buhay at nagwawasak sa pag-ibig niya sa mga sarap ng Mundo sa puso niya at lalo na sa ipinagbabawal.

explain-icon

fawaed

  • Ang kamatayan ay pumuputol sa mga sarap ng Mundo subalit ito sa panig ng mananampalataya ay naglilipat nito tungo sa mga sarap ng Kabilang-buhay, mga sarap ng Paraiso, at anumang natatamo roon na dakilang kabutihan.
  • Ang pagsasaalaala sa kamatayan at anumang matapos nito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagbabalik-loob, pagkalas sa kasalanan, at paghahanda para sa Kabilang-buhay.