Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang siya ay nagsasalita sa mga tao, ng dalawang dakilang kalamangan: A. Na ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpahusay ng wuḍū', naglubus-lubos nito, nagpalubos nito, nagkumpleto nito sa paraang batay sa sunnah, at nagbigay sa bawat bahagi ng karapatan nito sa tubig, pagkatapos nagsabi: "Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu wa-anna muḥammadan `abdu –llāhi wa-rasūluh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Lingkod ni Allāh at Sugo Niya)," malibang bubuksan para sa kanya ang walong pinto ng Paraiso, na papasok siya mula sa alinman sa mga ito na loloobin niya. B. Na ang sinumang nagsagawa ng ganitong wuḍū' na ganap na kumpleto, pagkatapos tumayo matapos ng wuḍū' na ito saka nagdasal ng dalawang rak`ah, habang nagtutuon sa dalawang ito sa pamamagitan ng puso niya sa pagpapakawagas at kataimtiman, at nagpakumbaba sa pamamagitan ng mukha at lahat ng mga bahagi ng katawan niya kay Allāh, magigindapat para sa kanya ang Paraiso.