Nagpapabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Relihiyong ito ay lalaganap sa lahat ng mga bahagi ng Daigdig sapagkat ang alinmang lugar na inabot ng gabi at maghapon ay aabutin ng Relihiyong ito. Hindi mag-iiwan si Allāh (napakataas Siya) ng isang bahay sa mga lungsod at mga nayon ni sa mga ilang at disyerto malibang magpapasok Siya roon ng Relihiyong ito. Ang sinumang tumanggap sa Relihiyong ito at sumampalataya rito, tunay na siya ay magiging isang marangal sa pamamagitan ng karangalan ng Islām. Ang sinumang tumanggi rito at tumangging sumampalataya rito, tunay na siya ay maging isang hamak na inaaba. Pagkatapos nagpabatid ang KasamahangTamīm Ad-Dārīy (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nakaalam ng bagay na iyon na ipinabatid ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sambahayan niya, sa partikular, na tunay na ang sinumang umanib sa Islām kabilang sa kanila ay pinagkamit ng kabutihan, dignidad, at karangalan; at ang sinumang tumangging sumampalataya kabilang sa kanila ay pinagkamit ng kahamakan at kaabahan sa kabila ng ibinabayad nito sa mga Muslim mula sa mga yaman.