explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamasasama sa mga tao, na sila ay ang sasapitan ng Huling Sandali habang sila ay mga buhay at ang mga gumagawa sa mga libingan bilang mga sambahan, na nagdarasal sa tabi ng mga iyon o paharap sa mga iyon.

explain-icon

fawaed

  • Ang pagbabawal ng pagtatayo ng mga masjid sa mga libingan dahil ito ay isang kaparaanan tungo sa Shirk.
  • Ang pagbabawal sa pagsasagawa ng ṣalāh sa tabi ng mga libingan kahit pa man walang estruktura dahil ang masjid ay isang pangngalan para sa pinagpapatirapaan kahit pa man hindi nagkaroon dito ng isang estruktura.
  • Ang sinumang gumawa sa mga libingan ng mga maaayos na tao bilang mga masjid para sa pagsasagawa ng ṣalāh sa mga iyon, siya ay kabilang sa pinakamasasama sa nilikha, kahit pa nag-angkin siya na ang pakay niya ay ang pagpapakalapit-loob kay Allāh (napakataas Siya).