Dumating si `Awf bin Malik sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Pandarambong sa Tabuk habang siya ay nasa loob ng Tolda na yari sa balat na katad.Sinabi sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan;Magbilang ka ng anim na palatandaan mula sa mga palatandaan na mangyayari bago maganap ang Huling Oras:Pagkamatay ko,Pagkatapos ay pagtagumpay sa Bayt Al-Maqdis,at ito ay nangyari sa panahon ni `Umar-malugod si Allah sa kanya-,Pagkatapos ay ang epidemya na maglalaganap sa inyo,at mamamatay ang karamihan sa inyo sa sandaling oras tulad ng paglaganap ng Epidemya sa mga tupa at mamatay sila.Pagkatapos ay ang pagdami ng kayamanan,hanggang sa kapag binigyan mo ang isang tao ng isandaang dinar ay magagalit;dahil ito ay napakaliit na salapi sa pananaw niya.At sinabi; na ng pagdami na ito ay naganap na saPamumuno ni `Uthman -malugod si Allah-Pagkataas-taas Niya- sa mga [naganap] na Tagumpay.Pagkatapos ay mangyayari ang napakalaking Pagsubok,walang matitirang bahay mula sa mga bahay ng mga Arabo maliban sa papasukan nito:Sinabi na: ito ang pagkamatay ni `Uthman,at ang mga sumunod dito na pagsubok ay nauugnay rito,Pagkatapos ay ang Kasunduan na mangyayari sa pagitan ng mga Muslim at Roma,sisirain nila ang kasunduan at pagtataksilan nila ang mga Muslim,Darating sila upang makipaglaban sa mga Muslim sa bilang na walumpot Bandila at ito ay Ang Watawat.At sa ilalim ng bawat bandila ay binubuo ng Labindalawang libong manlalaban,At ang kabuuan nila ay Siyam na raan at Animnaput-libo.