Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa banal na ḥadīth na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagpabatid tungkol sa mga tagapagtambal at mga tagatangging sumampalataya na sila ay nagpapasinungaling sa Kanya at naglalarawan sa Kanya sa mga kakulangan at mga kapintasan samantalang hindi naging nararapat sa kanila iyon. Hinggil sa pagpapasinungaling nila kay Allāh, ito ang pag-aangkin nila na si Allāh ay hindi magpapanumbalik sa kanila matapos ng kamatayan nila sa ikalawang pagkakataon gaya ng pagkalikha sa kanila sa unang pagkakataon mula sa wala. Tumugon Siya sa kanila na ang nagpasimula sa paglikha mula sa kawalan ay nakakakaya sa pagpapanumbalik sa kanila, bagkus higit na madali, kahit pa ang usapin hinggil sa pagkakaugnay kay Allāh ay magkapantay ang paglikha at ang pagpapanumbalik sapagkat si Allāh sa bawat bagay ay may-kakayahan. Hinggil naman sa panlalait nila, ang sabi nila na tunay na Siya ay may anak. Tumugon Siya sa kanila na Siya ay ang Kaisa-isang namumukod-tangi sa lahat ng mga kakumpletuhan sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya at mga gawain Niya, ang pinawalang-kinalaman sa bawat kakulangan at kapintasan, ang Dulugan na hindi nangangailangan ng isa man samantalang nangangailangan sa Kanya ang bawat isa. Hindi Siya naging ama sa isa man at hindi Siya naging anak sa isa man. Hindi Siya nagkaroon ng kapantay na katulad o katapat (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).