Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay hindi tumitingin sa mga anyo ng mga tao at mga katawan nila kung ito ba ay marikit o kapula-pula at kung ito ba ay malaki o maliit, o malusog o maysakit? Hindi Siya tumitingin sa mga ari-arian nila kung ang mga ito ba ay marami o kaunti? Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay hindi nagpapanagot sa mga lingkod Niya at hindi nagtutuos sa kanila sa mga bagay na ito at pagkakaibahan nila sa mga ito. Subalit tumitingin Siya sa mga puso nila at nasa loob ng mga ito na pangingilag magkasala, katiyakan, katapatan, pagpapakawagas, o pagpapakay ng pagpapakitang-tao at pagpaparinig sa tao. Tumitingin Siya sa mga gawa nila sa punto ng kaayusan ng mga ito at kasiraan ng mga ito saka naggagantimpala Siya at gumaganti Siya sa mga ito.