Nagpabatid si Ubayy bin Ka`b (malugod si Allāh sa kanya) na may isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya na kabilang sa pinakamalayo sa mga tao sa tahanan mula sa Masjid ng Propeta. Walang nakaaalpas sa kanya na isang ṣalāh; bagkus nakadadalo siya sa bawat ṣalāh kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya sinabi sa kanya: "Kung sakaling bumili ka ng isang asnong sasakyan mo iyon sa dilim ng gabi at sa kainitan ng lupa sa [maghapon]." Nagsabi siya: "Hindi nagpapagalak sa akin na ang tahanan ko ay nasa tabi ng masjid; tunay na ako ay nagnanais na magtala si Allāh para sa akin ng paglalakad ko papunta sa ṣalāh sa masjid at pagbabalik ko kapag bumalik ako sa mag-anak ko." Nakarating ang salita niya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi ito: "Nagtipon nga si Allāh para sa iyo niyon sa kabuuan niyon."