May dumating sa pinuno ng mga mananampalataya na si `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) na isang lalaking alipin na ang Pinapanginoon nito ay nakipagkasunduan na rito na bilhin nito ang sarili nito at palalayain niyon ito upang ito ay maging isang malaya. Wala itong salapi kaya nagsabi ito: "Tunay na ako ay nawalang-kakayahan na sa pagbabayad ng kailangan sa akin kaya tulungan mo ako sa pagbayad nito sa pamamagitan ng salapi o pagtuturo at paggabay." Nagsabi naman dito ang pinuno ng mga mananampalataya: "Hindi ba ako magtuturo sa iyo ng mga salita na itinuro sa akin ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na kung sakaling sa iyo ay may utang na tulad ng isang bundok na ang pangalan ay Ṣīr ng Liping Ṭay', talagang magbabayad nito si Allāh para sa iyo sa karapat-dapat dito at sasagip Siya sa iyo mula sa kahamakan nito?" Nagsabi siya: Sabihin mo: "O Allāh, magbigay-kasapatan Ka sa akin" at magbaling Ka sa akin at magpalayo Ka sa akin "sa pamamagitan ng ipinahintulot Mo" habang nagpapatulong dito "sa halip ng" pagkasadlak sa "ipinagbawal Mo" "at magpayaman Ka sa akin" at magbigay-kasapatan Ka sa akin "sa pamamagitan ng kabutihang-loob Mo" at kagalantehan Mo "sa halip ng sinumang iba pa sa Iyo" mula sa nilikha.