Hindi nangyaring ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagwawaksi ng mga panalanging ito kapag gumagabi at kapag nag-uumaga. "Allāhumma innī as'aluka -l`āfiyata (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng kagalingan)" at kaligtasan mula sa mga karamdaman, mga pagsubok, mga kasawiang-palad na pangmundo, mga pagnanasa, mga sigalot na pangmundo "fi -ddunyā wa-l'ākhirah (sa Mundo at Kabilang-buhay)" na madalian at matagalan. "Allāhumma innī as'aluka -l`afwa (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng paumanhin)," pagpawi ng mga pagkakasala at pagpapalampas sa mga ito, "wa-l`āfiyata (at kagalingan)" at kaligtasan mula sa mga kapintasan "fī dīnī (sa buhay panrelihiyon ko)" mula sa Shirk, mga bid`ah, at mga pagsuway; "wa-dunyāya (buhay pangmundo ko)" mula sa mga kasawiang-palad, perhuwisyo, at mga kasamaan; "wa-ahlī (mag-anak ko):" mga maybahay ko, mga anak, at mga kamag-anak ko; "wa-mālī (at ari-arian ko):" mga ari-arian ko at trabaho ko. "Allāhumma -stur `awrātī (O Allāh, pagtakpan Mo ang mga kahihiyan ko)" at ang nasa akin na mga kapintasan, mga kasiraan, at pagkukulang; "wa-āmin raw`ātī (at patiwasayin Mo ang mga pangingilabot ko)," ang hilakbot ko, at ang pangamba ko "Allāhumma -ḥfađnī (O Allāh, ingatan Mo ako)" at itulak Mo ang pagsubok palayo sa akin laban sa mga tagaperhuwisyo at pagsubok "mim bayni yadayya wa-min khalfī wa-`an yamīnī wa-`an shimālī wa-min fawqī (mula sa harapan ko at sa likuran ko, sa dakong kanan ko at sa dakong kaliwa ko, at mula sa itaas ko)." Ito ay yayamang humiling siya na ingatan siya ni Allāh mula sa lahat ng mga dako dahil ang mga pagsubok at ang mga salot ay sumusunod sa tao at sumasalubong sa kanya mula sa isa sa mga dakong ito. "wa-a`ūdhu bi`ađamatika an ughtāla (Nagpapakupkop ako sa kadakilaan Mo na hindi ako paslangin)" hindi ako panagutin nang bigla at hindi ako pasawiin sa pagkalingat "min taḥtī ( mula sa ilalim ko)" para masawi ako dahil sa paglamon ng lupa.