May humiling na isang lalaking kabilang sa mga nakatira sa ilang sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magturo siya rito ng isang pagsambit na sasabihin niya. Kaya nagsabi rito ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Sabihin mo: "Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya." Nagsimula siya sa pagsaksi sa Tawḥīd. Ang kahulugan nito ay walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh. "Allāhu akbar kabīrā. (Si Allāh ay pinakadakila sa pagkadaki-dakila." Ibig sabihin: Si Allāh ay pinakadakila kaysa sa bawat bagay at pinakasukdulan. "Alḥamdu lillāhi kathīrā. (Ang papuri ay ukol kay Allāh sa pagkarami-rami.)" Ibig sabihin: Papuri kay Allāh sa pagkarami-rami sa mga katangian Niya, mga gawain Niya, at mga biyaya Niya na hindi maiisa-isa. "Subḥāna -llāhi rabbi -l`ālamīn. (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.)" Ibig sabihin: Nagpakawalang-kaugnayan Siya at nagpakabanal Siya laban sa kakulangan. "Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāhi -l`azīzi -lḥakīm. (Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.)" Ibig sabihin: Walang pagkapalit mula sa isang kalagayan patungo sa isang kalagayan kundi sa pamamagitan ni Allāh, ng pagtulong Niya, pagtutuon Niya. Nagsabi naman ang lalaki: "Ang mga pangungusap na ito ay para sa Panginoon ko para sa pag-alaala sa Kanya at pagdakila sa Kanya. Kaya ano naman po ang para sa akin na panalangin para sa sarili ko?" Kaya nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) rito: Sabihin mo: "Allāhumma -ghfir lī, (O Allāh, magpatawad Ka sa akin,)" Sa pamamagitan ng pagpawi sa mga masagwang gawa at pagtatakip sa mga ito. "wa-rḥamnī, (maawa Ka sa akin,)" Sa pamamagitan ng pagpapaabot ng mga kapakinabangan at mga kapakanang panrelihiyon at pangmundo sa akin. "wa-hdinī, (magpatnubay Ka sa akin,)" para sa pinakamaganda sa mga kalagayan at tungo sa landasing tuwid. "wa-rzuqnī. (at magtustos Ka sa akin.)" Ang yamang pinahihintulutan, ang kalusugan, at ang bawat kabutihan at kagalingan.