Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na noon ay nagsasabi: "Allāhumma, innī as'aluka -lhudā wat'tuqa wa-l`fāfa wa-lghinā. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng patnubay, pangingilag magkasala, kalinisang-puri, at kawalang-pangangailangan.)"} Tumpak - Nagsalaysay nito si Imām Muslim
explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Kabilang noon sa panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng patnubay," ang daang tuwid ng pag-alam sa totoo at paggawa ayon dito, "pangingilag magkasala," ang pagsunod sa mga ipinag-uutos at ang pag-iwas sa mga sinasaway, "kalinisang-puri," ang pagpipigil sa hindi pinahihintulutan at hindi nagiging marikit sa sinasabi o ginagawa, "at kawalang-pangangailangan" sa nilikha kung saan hindi mangangailangan sa isang iba pa sa Panginoon (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

explain-icon

fawaed

  • Ang karangalan ng mga kakanyahang ito: ang patnubay, ang pangingilag magkasala, ang kalinisang-puri, at ang kawalang-pangangailangan, at ang paghimok sa pagkakaasalan ng mga ito.
  • Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nakapangyayari para sa sarili niya ng pakinabang ni pinsala at na ang nakapangyayari niyon ay si Allāh (napakataas Siya).
  • Ang nakapangyayari ng pakinabang, pinsala, at kapatnubayan para sa nilikha ay si Allāh – tanging Siya – hindi isang anghel na inilapit [kay Allāh] ni isang propetang isinugo ni isang iba pa sa dalawang ito.