Pumasok kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-ang dalawang babaing matanda mula sa Hudyo sa Madina,Ang sabi nilang dalawa sa kanya: Tunay na ang mga patay ay pinaparusahan sa loob ng libingan nila,pinagsinungaling niya sila at hindi niya inibig na paniwalaan silang dalawa,Dahil hindi pa naging mabuti ang pakiramdam niya rito,dahil sa mga nakitang kasinungalingan ng mga Hudyo,at pag-iimbento nila sa Relihiyon,at pagbibigay ng maling kahulugan sa Aklat,kaya Lumabas silang dalawa mula kay `Aishah,at pumasok sa kanya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinabi niya sa kanya ang sinabi ng dalawang babaing Hudyo,Ang sabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan;Nagsasabi silang ng katotohanan,Tunay na ang mga patay ay pinaparusahan ng parusang naririnig ng lahat ng mga hayop,At sinabi ni `Aishah na hindi niya nakita ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos nito,maliban sa siya ay nagpapakupkop mula sa kaparusahan sa libingan.