explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa paghahanap ng kaalaman para makipagyabangan at makipagtagisan sa mga maalam, sa paghahayag ng ganito: "Ako ay marunong tulad ninyo," o makipagtalumpati at makipagdebate sa pamamagitan nito sa mga hunghang at mga mahina ang mga isip, o magpakatuto upang manguna sa mga pagtitipon at unahin sa iba sa kanya roon. Ang sinumang gumawa niyon, tunay na siya ay nagiging karapat-dapat sa Impiyerno dahil sa pagpapakitang-tao niya at kawalan ng pagpapakawagas sa paghahanap ng kaalaman para kay Allāh.

explain-icon

fawaed

  • Ang banta ng Impiyerno sa sinumang nagpakatuto ng kaalaman upang makipagmayabang sa pamamagitan nito o makipagdebate sa pamamagitan nito o manguna sa pamamagitan nito sa mga pagtitipon at tulad niyon.
  • Ang kahalagahan ng pagpapakawagas ng layunin ng sinumang nagpakatuto ng kaalaman at nagturo nito.
  • Ang layunin ay ang pundasyon ng mga gawain at nakasalalay rito ang ganti.