Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tao ay hindi nagiging isang mananampalatayang kumpleto ang pananampalatayang kinakailangan hanggang sa ang pag-ibig niya ay maging tagasunod ng inihatid ng Sugo (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na mga ipinag-uutos at mga sinasaway at iba pa sa mga ito. Kaya naman iniibig niya ang ipinag-utos ni Allāh at kinasusuklaman niya ang sinaway Nito.