explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang hindi naaawa sa mga tao ay hindi maaawa sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Kaya naman ang pagkaawa ng tao sa nilikha ay kabilang sa pinakamalaki sa mga kadahilanan na ikinatatamo ng awa ni Allāh (napakataas Siya).

explain-icon

fawaed

  • Ang pagkaawa ay hinihiling para sa nalalabi sa mga nilikha subalit itinangi ang mga tao sa pagbanggit bilang pagpapahalaga sa kanila.
  • Si Allāh ay ang Maawain at naaawa sa mga lingkod Niya na mga maaawain sapagkat ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain.
  • Ang pagkaawa sa mga tao ay sumasaklaw sa pagpapaabot ng kabutihan sa kanila. pagtaboy ng kasamaan palayo sa kanila, at pakikitungo sa kanila ayon sa pinakamaganda.