Nakasalubong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) sa isa sa mga daan ng Madīnah noong si Abu Hurayrah ay nasa pagiging junub. Dahil sa pagdakila niya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nasuklam siya na makiupo at makipag-usap dito habang siya ay nasa kalagayang iyon dala ng isang pagpapalagay niya na siya ay narumihan. Kaya umalis siya nang pakubli at naligo siya. Pagkatapos bumalik siya at umupo. Kaya tinanong siya ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung saan siya pumunta. Kaya nagpabatid siya rito ng kalagayan niya at na siya ay nasuklam makiupo rito habang siya ay marumi dahil sa pagiging junub. Nagulat naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsabi sa kanya: "Tunay na ang mananampalataya ay dalisay at hindi naparurumi sa kabila ng bawat kalagayan habang buhay man ni habang patay man."