Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tagapagsagawa ng ṣalāh, kapag nag-atubili siya sa ṣalāh niya at hindi siya nakaaalam kung ilang rak`ah ang dinasal niya: tatlo ba o apat, layuan niya ang bilang na nadagdag na pinagdududahan at hindi siya babatay rito. ِAng tatlong rak`ah ay ang natitiyak. Kaya magdarasal siya ng ikaapat na rak`ah, pagkatapos magpapatirapa siya ng dalawang patirapa bago magsagawa ng taslīm. Kung ang dinasal niya ay tunay na apat na rak`ah, ito ay magiging limang rak`ah sa pagkadagdag ng isang rak`ah. Ang dalawang patirapa ng pagkalingat ay magiging isang pamalit sa rak`ah. Kaya ang bilang ay tukol (even) hindi gansal (odd). Kung nakapagdasal siya ng apat na rak`ah dahil sa dagdag na rak`ah, siya ay magiging nakaganap na ng kailangan sa kanya nang walang dagdag at walang kulang. Ang dalawang patirapa ng pagkalingat ay isang panghahamak sa demonyo, isang pagtaboy sa kanya, at pagtutol sa kanya bilang itinataboy na pinalayo sa ninanais niya dahil [ang nagdarasal na] ito ay nakapagpalito sa kanya ng ṣalāh nito at nakaharang sa paggulo niyon. Nakumpleto ang ṣalāh ng anak ni Adan noong sumunod ito sa utos ni Allāh ng pagpapatirapa, na sumuway naman doon si Satanas nang tumanggi siya sa pagtalima kay Allāh sa pagpapatirapa kay Adan.