Nagdasal ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa mga kasamahan niya (bilang Imam) ng Dhuhr,at nang makapag-dasal siya sa unang dalawang tindig,tumindig siya pagkatapos ng dalawang ito,at hindi siya umupo para sa pagganap ng Tashahhud Al-awwal,kaya`t Sinundan siya ng mga sumusunod sa kanya rito,Hanggang sa matapos siya sa pagdarasal ng huling dalawang tindig at umupo siya para sa Tashahhud Al-akhir,at natapos niya ito,at naghintay ang mga Tao sa pagsasagawa niya ng Taslem,Nagsagawa siya ng Takbir habang siya ay sa pag-upo niya,at nagpatirapa siya kasama nila,nang dalawang beses bago niya isinagawa ang Taslem,tulad ng pagpapatirapa na napapaloob sa pagdarasal,pagkatapos ay nagsagawa ng Taslem,at ang pagpapatirapa na ito ay kinakailangan dahil sa Tashahhud na naiwan.