ipinapahayag ng Hadith na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpakumbaba sa pagpatirapa bilang pagpapasalamat kay Allah sa bawat bagay na darating sa kanya na pinapagaan sa kanya,at kabilang dito,ang nangyari kay Ali-malugod si Allah sa kanya-sa panahon na ipinadala siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Yaman upang mag-anyaya sa kanila pagkatapos nilang tumangging yumakap sa Islam sa kamay Kahlid bin Walid-malugod si Allah sa kanya-At nang anyayahan sila ni Ali,yumakap sa Islam ang lahat ng Hamdan,at isinulat ito ni Ali at (ipinadala) sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,nagpakumbaba siya sa pagpatirapa bilang pasasalamat niya kay Allah-Pagkataas-taas Niya.