Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakadakila sa mga tao sa pagkamapagbigay. Siya noon ay nagpaparami ng pagkamapagbigay niya sa buwan ng Ramaḍān yayamang siya noon ay nagbibigay ng nararapat sa sinumang nararapat. Ang kadahilanan sa karagdagan ng pagkamapagbigay niya ay dalawang bagay: A. Ang pakikipagkita niya kay Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga). B. Ang pakikipag-aralan niya ng Qur'ān, na pagbigkas ng Qur'ān buhat sa memorya. Nakikipag-aralan sa kanya si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ng lahat ng bumaba mula sa Qur'ān. Talagang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pinakamapagbigay, pinakamarami sa pagbibigay at sa paggawa ng kabutihan, at pinakamabilis sa pagpapakinabang sa nilikha kaysa sa kaaya-ayang hangin na isinugo ni Allāh kalakip ng saklolo at awa.