Si Abū Qatādah Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) ay naghahanap ng isang nagkakautang sa kanya na nagkukubli sa kanya saka natagpuan niya ito. Kaya naman nagsabi ang nagkautang: "Tunay na ako ay nagigipit. Wala akong salapi para ipambayad ko sa utang sa iyo." Kaya nagpasumpa rito si Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) kay Allāh na wala itong yamang taglay nito. Kaya sumumpa naman ito kay Allāh na ito ay tapat sa sinasabi nito. Kaya nagsabi si Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) na tunay na siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang nagpagalak sa kanya at nagpatuwa sa kanya na magligtas sa kanya si Allāh mula sa mga pighati ng Araw ng Pagbangon, mga kasawiangpalad dito, at mga hilakbot dito, pumawi siya [ng pighati] sa isang nagigipit sa pamamagitan ng pagpapatagal at pagpapaliban ng pagsingil sa utang o magpatawad siya ng isang bahagi ng utang o kabuuan nito."}