Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa asawa laban sa pagkamuhi sa maybahay nito ng isang pagkamuhing nauuwi sa paglabag sa katarungan sa maybahay, pag-iwan dito, at pag-ayaw rito. Tunay na ang tao ay isinakalikasan sa pagkakulang. Kung nasuklam siya sa maybahay sa isang kaasalang masagwa, makatatagpo naman siya rito ng ibang kaasalang maganda kaya malulugod siya sa maganda na sinasang-ayunan niya at magtitiis sa hindi niya kinalulugdan sa masagwa, na magsasanhi sa kanya na magtiis at hindi masuklam dito sa isang pagkasuklam na magbubuyo sa kanya sa pakikipaghiwalay rito.