Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Naawa si Allāh sa isang lalaking bumangon sa gabi at nagdasal. Ginising niya ang maybahay niya at kung tumanggi ito, magwiwisik siya sa mukha nito ng tubig. Naawa si Allāh sa isang babaing bumangon sa gabi at nagdasal. Ginising niya ang asawa niya at kung tumanggi ito, magwiwisik siya sa mukha nito ng tubig. Maganda - Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad