Lumabas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang araw ng pagdiriwang papunta sa dasalan. Nakapangako nga siya sa mga babae na magbukod-tangi siya sa kanila ng pangaral saka nakatupad naman siya nito sa araw na iyon. Nagsabi siya: O pangkat ng mga babae, magkawanggawa kayo at magparami kayo ng paghingi ng tawad sapagkat ang dalawang ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan ng pagbaba ng mga kasalanan sapagkat tunay na ako ay nakakita sa inyo sa gabi ng paglalakbay papuntang langit na higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno. Kaya may nagsabing isang babaing kabilang sa kanila na may pag-iisip, opinyon, at kahinahunan: "At ano po ang mayroon sa amin, O Sugo ni Allāh, na higit na marami sa mga maninirahan sa Impiyerno?" Nagsabi siya: "Dahil sa ilang bagay: nagpaparami kayo ng pagsumpa at pag-alipusta at nagkakaila kayo sa karapatan ng asawa." Pagkatapos naglarawan siya sa kanila sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ako nakakita mula sa mga nagkukulang sa pag-iisip at pagrerelihiyon na higit na mapanaig sa may isip, pag-iisip, hunos-dili, at disiplina sa nauukol sa kanya kaysa sa inyo." Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, at ano po ang kakulangan sa pag-iisip at pagrerelihiyon?" Nagsabi siya: "Hinggil sa kakulangan sa pag-iisip, ang pagsaksi ng dalawang babae ay nakatutumbas sa pagsaki ng iisang lalaki, kaya naman ito ay kakulangan sa pag-iisip. Ang kakulangan naman sa pagrerelihiyon ay ang kakulangan sa maayos na gawa yayamang nanatili siya ng ilang gabi at ilang araw na hindi nagdarasal dahilan sa regla at tumitigil-ayuno siya ng ilang araw sa Ramaḍān dahilan sa regla, kaya naman ito ay kakulangan sa pagrerelihiyon. Gayon pa man, sila ay hindi nasisisi dahil doon at hindi pinananagot dahil doon dahil ito ay bahagi ng ugat ng pagkalikha, kung paanong ang tao ay isinanaturalesa at nilikha na nakaiibig sa yaman, mapagmadali sa mga nauukol sa kanya, napakamangmang, at iba pa roon. Subalit tumawag-pansin siya roon bilang pagbibigay-babala laban sa pagkahumaling sa kanila."