explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag gumugol ang lalaki sa mag-anak niya na inoobliga sa kanya ang paggugol sa kanila gaya ng maybahay niya, mga magulang niya, anak niya, at iba pa sa kanila, habang siya ay nagpapakalapit-loob sa pamamagitan niyon kay Allāh (napakataas Siya) at umaasa sa Kanya ng pabuya sa iginugugol niya, tunay na magkakaroon siya ng pabuya ng kawanggawa.

explain-icon

fawaed

  • Ang pagtamo ng pabuya at gantimpala dahil sa paggugol sa mag-anak.
  • Ang mananampalataya ay naghahangad sa gawa niya ng ikalulugod ng mukha ni Allāh at ng taglay Nito na pabuya at gantimpala.
  • Nararapat ang pagsasagunita ng maayos na layunin sa bawat gawain. Kabilang doon ang sandali ng paggugol sa mag-anak.