explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang paglilinis ng mga ngipin sa pamamagitan ng munting patpat ng punong arāk at tulad nito ay nagdadalisay ng bibig mula sa mga karumihan at mga mabahong amoy; at na ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagkalugod ni Allāh sa tao dahil dito ay may isang pagtalima kay Allāh at isang pagtugon sa utos Niya at dahil dito ay may kalinisang naiibigan ni Allāh (napakataas Siya).

explain-icon

fawaed

  • Ang kainaman ng paggamit ng siwāk at ang pagpapaibig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya sa pagpapadalas ng paggamit nito.
  • Ang pinakamainam sa paggamit ng siwāk ay ang paggamit ng munting patpat ng punong arāk. Ang paggamit ng sipilyo at toothpaste ay gumaganap ng gawain ng siwāk.