explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Sumaway ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsasagawa ng ṣalāh sa pagkahain ng pagkain na pinananabikan ng sarili ng nagdarasal at kinahuhumalingan ng puso nito. Gayundin, sumaway siya laban sa pagsasagawa ng ṣalāh kasabay ng pagpipigil sa dalawang karumihan – ang ihi at ang dumi – dahil sa pagkaabala niya sa pagpipigil ng perhuwisyo.

explain-icon

fawaed

  • Nararapat sa magdarasal ang paglalayo ng bawat nakaaabala sa kanya sa pagsasagawa niya ng ṣalāh bago ng pagsisimula nito.