Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kinakailangan ang pagtulak ng kapinsalaan kalakip ng nagkakaiba-iba sa mga uri nito at mga pagkakahayag nito palayo sa sarili at palayo sa mga ibang tao. Kaya naman hindi naipahihintulot sa isa man na mamerhuwisyo sa sarili niya o sa iba sa kanya nang magkapantay. Hindi naipahihintulot sa kanya na tapatan ang kapinsalaan ng kapinsalaan dahil ang kapinsalaan ay hindi naaalis sa pamamagitan ng kapinsalaan kundi sa pamamaraan ng ganting-pinsala (qaṣāṣ) nang walang paglabag.