Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang araw ay ilalapit sa Araw ng Pagbangon mula sa nilikha at palalapitin ito hanggang sa mula sa mga ulo nila ay maging gaya ng sukat ng [layo na] isang milya. Nagsabi ang Tagasunod na si Sulaym bin `Āmir: "Kaya sumpa man kay Allāh, hindi ako nakaaalam sa alin sa dalawang milya tumutukoy siya. Ang distansiya ng lupa ba o ang patpat na ipinangkukulay ng kohl sa mata?" Nagsabi siya: "Kaya sila sa pawis ay magiging ayon sa sukat ng mga gawain nila [nakalubog]. Mayroon sa kanila na magiging hanggang sa mga bukungbukong niya. Mayroon sa kanila na magiging hanggang sa mga tuhod niya. Mayroon sa kanila na magiging hanggang sa mga baywang niya at pinaghihigpitan ng tapis niya. Mayroon sa kanila na aabot ang pawis hanggang sa bibig niya kaya pipigil ito sa kanya sa pagsasalita." Nagsabi siya: "Tumuro siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng kamay niya sa bibig niya."