Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagbigay-babala laban sa ilan sa mga gawain ng mga kampon ng Kamangmangan sapagkat nagsabi siya: 1. Ang sinumang nanampal ng pisngi at nagtangi siya sa pisngi dahil sa pagiging ito ay ang nananaig doon; at kung hindi, ang paghagupit sa nalalabing bahagi ng mukha ay napaloloob sa pagsaway. 2. Ang sinumang namunit ng binubuksan mula sa damit upang makapasok dito ang ulo, dahil sa tindi ng kawalang-kasiyahan. 3. Ang sinumang nanawagan ng panawagan ng mga kampon ng Kamangmangan gaya ng pagdalangin ng kapighatian at kapahamakan, paghagulgol, pananaghoy, at iba pa sa mga ito.