Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa kawalang-katarungan. Bahagi nito ang kawalang-katarungan sa mga tao, ang kawalang-katarungan sa sarili, at ang kawalang-katarungan sa karapatan ni Allāh (napakataas Siya). Ito ay ang pagwawaksi ng pagbibigay sa bawat may karapatan ng karapatan nito. Ang kawalang-katarungan ay mga kadiliman sa mga tagagawa nito sa Araw ng Pagbangon, na pagtamo ng mga kasawiangpalad at mga hilakbot. Sumaway siya laban sa kasakiman na siyang katindihan ng karamutan kasabay ng sigasig. Bahagi nito ang pagkukulang sa pagganap sa mga tungkuling pampananalapi at ang katindihan ng pagsigasig sa kamunduhan. Ang uring ito ng kawalang-katarungan ay nagpasawi sa mga bago natin na mga kalipunan yayamang nagbuyo ito sa kanila sa pagpatay sa iba sa kanila at pagpayag sa ipinagbawal ni Allāh na mga ipinagbabawal.