Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkahamak at pagkapahiya hanggang sa umabot ito sa isang tao, na para bang inilagay ang ilong nito sa alabok. Nag-ulit-ulit siya nito nang tatlong ulit. Kaya tinanong siya: "Sino po ito, O Sugo ni Allāh, na dumalangin ka ng laban sa kanya?" Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakaabot sa mga magulang niya sa sandali ng katandaan - sa isa sa kanilang dalawa o sa kapwa nilang dalawa - ngunit hindi silang dalawang naging kadahilanan ng pagpasok niya sa Paraiso. Iyon ay dahilan sa kawalan ng paggawa ng maganda sa kanilang dalawa at kasuwailan sa kanilang dalawa.