explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Gumagabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya tungo sa pangungunyapit at pagdulog na nagpapakinabang na naitutulak sa pamamagitan nito ang bawat pinangingilagang pinangangambahan ng tao kapag nanuluyan siya sa isang lugar sa lupa, maging ito man ay sa isang paglalakbay o isang pamamasyal o iba pa rito. Ito ay sa pamamagitan ng pangungunyapit at pagdulog sa mga lubos na salita ni Allāh sa kainaman ng mga ito, pagpapala ng mga ito, pagpapakinabang ng mga ito, na malaya sa bawat kapintasan at kakulangan, laban sa kasamaan ng bawat nilikha na may kasamaan, para matiwasay sa tuluyan niyang iyon, hanggat nananatili roon, laban sa bawat anumang nakapeperhuwisyo.

explain-icon

fawaed

  • Ang paghiling ng pagkupkop ay isang pagsamba. Ito ay sa pamamagitan ni Allāh (napakataas Siya) o sa pamamagitan ng mga pangalan Niya at mga katangian Niya.
  • Ang pagpayag sa paghiling ng pagkupkop sa pamamagitan ng salita ni Allāh dahil ito ay isang katangian kabilang sa mga katangian Niya (kaluwalhatian sa Kanya), na salungat sa paghiling ng pagkupkop sa alinmang nilikha sapagkat iyon ay Shirk.
  • Ang kainaman ng panalanging ito at ang pagpapala nito.
  • Ang pagpapasanggalang sa mga dhikr ay isang kadahilanan ng pagsanggalang sa tao laban sa mga kasamaan.
  • Ang pagpapawalang-saysay sa paghiling ng pagkukupkop sa iba pa kay Allāh gaya ng mga jinn, mga manggagaway, mga manunuba, at iba pa sa kanila.
  • Ang pagkaisinasabatas ng panalanging ito para sa sinumang nanuluyan sa isang lugar sa panahon ng paninirahan o paglalakbay.