explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nakakain o nakainom habang nakalilimot samantalang siya ay nasa isang pag-aayunong tungkulin o kusang-loob, maglubos siya ng pag-aayuno niya at huwag siyang tumigil-ayuno dahil siya naman ay hindi nagpakay ng pagtigil-ayuno. Ito lamang ay isang panustos na inakay ni Allāh sa kanya, ipinakain sa kanya, at ipinainom sa kanya.

explain-icon

fawaed

  • Ang katumpakan ng pag-aayuno ng sinumang nakakain o nakainom habang nakalilimot.
  • Hindi kasalanan sa sinumang nakakain o nakainom habang nakalilimot dahil ito ay hindi pagpili niya.
  • Ang kabaitan ni Allāh sa mga lingkod Niya, ang pagpapadali sa kanila, at ang pagpawi ng pahirap at pagkaasiwa buhat sa kanila.
  • Hindi titigil-ayuno ang tagapag-ayuno sa pamamagitan ng anuman mula sa mga tagapagpatigil-ayuno malibang kapag nalubos ang tatlong kundisyon: 1. na siya ay nakaaalam sapagkat kung siya ay hindi nakaaalam, hindi siya tumigil-ayuno; 2. na siya ay nakaalaala sapagkat kung siya ay nakalilimot, ang pag-aayuno niya ay tumpak at walang pagbabayad-ayuno sa kanya; 3. na siya ay nakapipili na hindi napipilitan na kumunsumo ng tagapagpatigil-ayuno ayon sa pagpili niya.
explain-icon

Ang karagdagan