May dumating na dalawang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ḥajj ng Pamamaalam, habang siya ay naghahati-hati ng kawanggawa, saka humiling silang dalawa na magbigay siya sa kanilang dalawa mula rito. Kaya nagsimula ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nag-uulit-ulit ng pagtingin sa kanilang dalawa upang makaalam sa kalagayan nilang dalawa kung napahihintulutan kaya para sa kanilang dalawa ang kawanggawa o hindi. Nakakita siya sa kanilang dalawa bilang mga lalaking malakas. Kaya nagsabi siya: "Kung nagnais kayong dalawa, magbibigay ako sa inyong dalawa mula sa kawanggawa. Walang parte rito para sa sinumang may yamang nakasasapat sa kanya at wala para sa isang nakakakaya sa pagtamo at pagkamit ng yaman; at kahit pa wala siyang yaman, ibibilang siyang isang mayaman."