Kumuha si Al-Ḥasan bin `Alīy, malugod si Allah sa kanilang dalawa, ng isang datiles mula sa natipon sa mga zakāh ng datiles at inilagay niya ito sa bibig niya kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Huwag, huwag," na nangangulugang "hindi ito naaangkop sa iyo." Pagkatapos ay inutusan niya ito na ilabas iyon mula sa bibig nito at nagsabi: "Tunay na hindi ipinahihintulot sa atin ang kawanggawa." Ang kawanggawa ay hindi ipinahihintulot sa mag-anak ni Muḥammad. Iyon ay dahil sa sila ay ang pinakamaharlika sa mga tao. Ang mga kawanggawa at ang mga zakāh ay mga latak ng mga tao at hindi nababagay sa mga maharlika sa mga tao na kumuha sa mga latak ng mga tao, gaya ng sinabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa tiyuhin niyang si Al-`Abbās bin `Abdulmuṭṭalib, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na tayo ay mag-anak ni Muḥammad; hindi ipinahihintulot sa atin ang kawanggawa. Ito ay mga latak lamang ng mga tao."