Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), sa ilan sa mga pagkakataon kapag nagsagawa siya ng wuḍū', ay naghugas ng bawat bahagi mula sa mga bahagi ng katawan para sa wuḍū' nang tig-iisang ulit sapagkat hinuhugasan niya ang mukha – at bahagi nito ang pagmumumog at ang pagsinga – ang mga kamay, at ang mga paa nang tig-iisang ulit. Ito ay ang kinakailangang sukat.