Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag dumating ang huling sampung araw ng Ramaḍān, ay nagsisipag sa mga ito sa pagsamba at pagtalima at nagpapalabis sa mga uri ng mga kabutihan at mga klase ng mga pagsasamabuting-loob at mga pagsamba higit kaysa sa pagsisipag niya sa iba rito. Iyon ay dahil sa kadakilaan at kainaman ng mga gabing iyon at dala ng paghahangad sa Gabi ng Pagtatakda.