Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa bawat araw na sumisikat dito ang araw ay may dalawang anghel na bumababa, na nananawagan, na nagsasabi ang isa sa dalawa: "O Allāh, magbigay Ka sa isang tagagugol sa mga pagtalima, sa mag-anak, mga panauhin, at mga pagkukusang-loob ng isang kabayaran; tumumbas Ka sa kanya ng isang kabutihan sa anumang ginugol niya; at magpala Ka sa kanya." Nagsasabi naman ang isa pa: "O Allāh, magbigay Ka sa isang tagapagkait nito ng isang kasiraan at magpahamak Ka ng yaman niya na ipinagkait niya sa mga karapat-dapat dito.