Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nagnais tumugon sa tawag ng kalikasan niya na pag-ihi o pagdumi laban sa pagharap sa qiblah sa dako ng Ka`bah at laban sa pagtalikod doon sa pamamagitan ng paglagay niya rito sa likuran ng likod niya; bagkus kailangan sa kanya na lumihis paiwas doon sa dako ng silangan o kanluran kapag ang qiblah niya ay gaya ng qiblah ng mga naninirahan sa Madīnah. Pagkatapos nagpabatid si Abū Ayyūb (malugod si Allāh sa kanya) na sila, noong dumating sila sa Shām, ay nakatagpo roon na ang mga kubetang inihanda para sa pagtugon sa tawag ng kalikasan ay itinayo ngang nakaharap tungo sa Ka`bah kaya sila noon ay naglilihis ng mga katawan nila palayo sa qiblah at sa kabila niyon humihingi sila ng tawad kay Allāh.